Grabe... Ang tindi... Ang bilis ng panahon... Bakasyon na... Mamimiss ko ang mga pauling (honestly speaking, yung iba lang). Mamimiss ko ang bonding moments ng pauling. Sana kahit bakasyon mag-post pa rin kayo sa mga blog niyo dito ha... Gusto ko wala na tayong kamustahan sa pasukan na parang isang century tayong hindi nagkita... Panigurado ako maglilinis lang lagi ng bahay kaya wag na kayong mangamusta dahil isa lang ang masasabi ko sa inyo... "Pagod na pagod akong maglinis ng bahay nung bakasyon." Congratulations sa ating lahat dahil third year mascians na tayo!
Hehe.. Sana pagbutihan ko na ang pag-aaral ko. Let's always pray for each other ha! Yan ang simbolo ng pauling. PRAYERS. Bye, God Bless and happy summer vacation!
Tuesday, March 27, 2007
Wednesday, March 14, 2007
Test
Waaaaaaaaa!!!!!!! Masisira na ulo ko... Ang tindi... ng init... Test pa ngayon. Buong oras na pauwi ako ay nakasimangot ako dahil sa sikat ng araw sapagkat tanghali na naman ang uwi namin at simula noong lunes ay ganito na ang oras ng pag-uwi namin Napapansin ko na pahirapan nga ang pag-aaral sa Masci lalo na pag second year ka at nagkataon pang kayo ang batch na kailangan mag-sacrifice para sa ikapapasa mo rin sa school na iyon... Mahirap bang magbasa ng dalawang sentence na magkasunod na wala pang tuldok at kuwit man lang? Kung dalawang sentence pa lang ay hinihingal ka na sa pagbabasa nang malakas at walang pahina eh tignan mo na lang yung stainless longganisa no Bob Ong... Wala na kong masabi dahi lahat ng nsa isip ko ay napunta na sa mga test na pinag-ukulan pa namin ng panahon...
Friday, March 9, 2007
Grabehhh lang...
Waaaaaahhhhhh...... Friday na naman... Akala ko kanina moment of truth na sa i.a....moment of truth na tinitigan ko lang yung mga example ng teacher natin... Tapos inalam ko na lang kung pano nakuha yung mga sagot... Sa...sa...salamat naman dahil nakalagpas ako sa passing score kanina..hehe... ang saya...Last period namin wala kaming teacher at nag-frequency lang kami tapos ay nag-jackstone kami... mga thirty minutes lang naman yung jackstone na yun...Tapos...taops...taops na!!!
Tuesday, February 27, 2007
Hey people!!! Sorry kung may nasaktan man sa message ko last time... Yung last content ng blog ko bago ito... Kasi nilabas ko lang yung laman ng aking isipan... Hehe... joke. Kasi naman NAKAKAPAGPABAGABAG naman yang kuwento na 'yan eh... ayaw tigilan yung mind ko... Kya wala na kong nagawa kundi i-type 'yung story na 'yon...
Monday, February 26, 2007
Attention!!!
This is a story that happened kaninang umaga lang, sa masci... During our second period, may pinag-usapan ang buong pauling sa quad A (pero hindi ko na sasabihin kung ano pa man yon). Habang nag-uusap kami, biglang may nagparinig sa isa sa amin dun sa taong "SELFISH" na 'yon. Tapos, parang lahat ng nakarinig dun sa sinabi niya, tumawa. Eh narinig nung dapat paringgan, (pero para siyang manhid na hindi guilty sa sarili niya, tinawanan niya rin yung sarili niya) pero hindi nga nahalata kasi nga nakitawa rin siya- so talagang ibig sabihin nun, hindi niya alam kung sino yung pinag-uusapan. Ganun lang kasimple 'yon eh. Kung ikaw ba naman e hindi ma-guilty dun sa kadamutang ginawa mo syempre kaiinisan ka talaga di 'ba? (Sino'ng disagree dun?) Tapos lalo kaming nagtawanan dahil nga wala siyang kamalay-malay na siya na nga yon.
Friday, February 23, 2007
My Birthday Special: Part two
Wahahahaha!!!! I want to thank yung mga bumati sa akin kanina ng "happy Birthday". Salamat sa inyo... Mas gusto ko talaga ang pauling kesa sa classmates ko last year (no offense benevolent mammals, dehins naman ako galit sa inyo eh). Thanks din sa isang taga- Thales na nagbigay sa akin ng gift (how wonderful! thanks!) ... Pero kahit walang gift sa akin ang mga Pauling, that doesn't mean na galit ako sa inyo (hindi naman talaga ako dapat bigyan ng gift kasi wala akong pang-blowout sa inyo e...hehe). Pauling made my Birthday complete and I'm happy for it. Walang nang-away sa akin ngayon at isa na 'yon sa mga magagandang gift na binigay niyo sa akin. Ang saya kaninang social...studies... Sumakit yung tiyan ko kakatawa dahil sa "KAMPUTCHA" na pronunciatioN ng isang word (no offense sa nagsabi nun- peace tayo!!!) kanina... Tapos inulit pa nang inulit ni Roniel... Kaya tawa pa kami ng tawa (hanggang matapos yung social studies). MAPEH time, at wala kaming ginawa dahil natapos na namin yung art area na ngayon ang due date. Ang haba ba ng article ko? Sorry kung tinatamad ka nang magbasa ngayon... Talagang marami lang akong kuwento. Marami lang akong naaalala pag importante yung date ng pag-update ko sa site na ito-katulad ngayon. Kahit mas maiksing araw lang kami sa masci, mahaba yung article ko, kasi nga birthday ko... Naguguluhan ka na ba?
Bangag na kasi ako-matagal na. Pero sa mga last words nito, tinatamad na akong mag-type... Magulo lang talaga ako. Wag mo nang intindihin yung binabasa mo at baka mahilo ka lang...
Bangag na kasi ako-matagal na. Pero sa mga last words nito, tinatamad na akong mag-type... Magulo lang talaga ako. Wag mo nang intindihin yung binabasa mo at baka mahilo ka lang...
Thursday, February 22, 2007
My birthday special: part one
Today is Thursday, and I only have one day to go before my birthday... I'll celebrate it tomorrow... Pero gusto ko simple lang ang maging birthday ko. Yung some kind of parang konting bati-bati lang tapos parang regular day lang, parang wala lang, pero gusto ko yung masaya. As I remember, I celebrated my birthday last year with tears, kasi this is how the story goes;
It's my birthday, Thursday yung day na yun. We didn't have our First period because wala yung teacher namin nung time na yun... Our next class is English, and we usually held our english class last year sa third floor of bordner building. Wala din yung teacher namin sa english that time, pero a week before that nag-assign siya ng reporters para sa lessons namin during the time na wala siya. Our discussion was about debates, so konting description tapos isang try kami ng debate, the first topic dun sa debate na yon ay discrimination. Nagtanong yung reporter kung meron pa bang discrimination sa loob ng class/section namin. Then in return we answered 'yes'. Nagtanong ulit siya: Sino-sino sa benevolence ang discriminated? Maraming sumagot ng ganito: 'Si Julius, si Lyka, ako, tapos may isa pa silang na-mention but I can't remember who he is... Apat kami. Telling myself that it's true, I started to cry. Nung tinanong pa nila kung paanong discrimination yung ginagawa sa amin, lalo akong umiyak. Pano ba naman kasi, alam naman nilang birthday ko, tapos naisipan pa nilang ganun yung style ng pagreport nila. Parang sobrang pang-asar naman diba? Siguro kung kayo yung nasa place ko, magagalit din kayo. Akalain niyo bang birthday niyo eh paiyakin kayo ng mga kaklase niyo? Sinong hindi sasama ang loob doon?
To the readers, I share this to you not to let you know na ma-drama ako. Just to let you know what is the MOST MEMORABLE DAY sa buhay ko, at kung ano ang nangyari nung araw na 'yon... I promise you, never kong makakalimutan yung nangyari na yun last year... Oo, last year, o.p ako sa section na napuntahan ko. Siguro let's think na lang na kaya ako o.p nung time na yun kasi siguro one of the reasons na nga is that ako ang youngest sa section namin, Pero in fairness, nangyari nga yung wish ni Kuya Fred para sa akin last year, sana daw mahanap ko sa section ko ngayon yung friends na hindi ko nakita sa kanila...

Subscribe to:
Posts (Atom)